Monday, August 10, 2009

Mga kababayan at bayan ko, basahin n'yo. By: Joey De Leon



Wala na sa piling ng mga Pilipino,

Tinig ng awiting Mga Kababayan Ko,

At lumisan na rin noong isang Sabado,

Inang nagpalipad sa awiting Bayan Ko.

Ako’y sumasaludo, paalam Pangulo,

May isa ‘kong lihim, kay tagal itinago,

Sa lahat nang inabot kong mga namuno,

Tanging ikaw lang sa luha ko’y nagpatulo.

Marami ang nalungkot sa iyong pagyao,

Magalang ang lahat at puno ng respeto,

Nagpasalamat pa nga Kapamilya sa ‘yo,

Dahil kanilang himpilan naibalik mo.

Subalit ano itong nabalitaan ko?

Nangyari noong Lunes, a-tres ng Agosto,

Habang inililipat ang mga labi mo,

Ika’y parang nabastos sa isang TV show.



At ang napakasaklap at masakit dito,

Ang nambastos pa’y kapamilya ng anak mo,

Napanood ito ng tao at publiko,

Kakaunti na nga, ngunit lahat nahilo.

Sabi ng TV host na mainit ang ulo

Pagkakita sa video na kanyang kasalo,

“Sandali, meron akong ano… sa’ting ano…

Hindi naman sa ano,” nagkaanu-ano!

Ayon sa Internet, meron pa s’yang nasambit,

“Sana pakitanggal muna ‘yan sa’ting traffic…”

At ‘di maaalis sa iyong pag-iisip,

Ang parada ng patay ang pinaliligpit!

At dagdag pa daw ng naghahari-harian,

“I don’t think na dapat n’yong ipakita iyan…”

Nasaan naman ang paggalang, o nasaan?

Mga sinasabi natin minsa’y pag-ingatan.



At ‘di pa nangimi nang sumunod na araw,

Pinilit pa ring ginawa n’ya ay tama raw,

Mga nakarinig ‘di na nakagalaw

At ayon sa iba sila na la’y napa-wow!



“… Pero ako, totoo ‘ko eh … “, sabi kuno,

Totoo nga at totoo ring walang modo,

Pwede namang sabihin itong pa-sikreto,

Kaya’t wala na rin mga paliwanag mo.



“Kung ganyan, pakita na lang ‘yan!”, ang hamon pa,

Para bang ang prusisyon nila-“lang - lang” lang ba,

Ang pangasiwaan ay pinapili pa n’ya,

Sumunod ang himpilan, nung August 5 wala s’ya.



May mga komentong pwede nang pang-harapan,

“On camera” baga sa TV ang tawag d’yan

At kung sensitibo man ang gustong bitawan,

Pagpasok ng commercial, hintayin mo na lang.



Matutong magbaba muna ng mikropono

At saka idikta lahat ng iyong gusto,

Lagi kang mataas lahat daw takot sa ‘yo,

Ratings lang ang mababa — totoo ba ito?



The breaking news breaks your heart — at ‘yan ang bawi mo,

Nang mahalata mong sumablay ang pasok mo,

Pero sigurado ika’y maa-abswelto,

‘Di ba ikaw rin ang may-ari ng network n’yo?

Nung Hueves nag-apologize sa diario naman,

O, akala ko ba wala kang kasalanan,

Tapos ng angalan, sunod paliwanagan —

COMPLAIN before you EXPLAIN ka na naman!

O ito kaya ay isa na namang “glitch” lang,

Tulad ng “two-zero” ‘di na natin nalaman,

O ito ay maliwanag na kabobohan?

Sa tingin ng marami, mahirap lusutan.



Ang sabi ng iba — istupidong mayabang,

At giit ng iba — istupidong mayaman,

Mayaman man o mayabang ang tiyak diyan,

Napakayaman n’ya sa kaistupiduhan.



Buti pa ang apat na honor guards ni Cory —

Sina Malab, Laguindan, Rodriguez, Cadiente,

Walong oras tumayo sa ulan at viaje,

Ang lahat ay tiniis at walang sinabi.



Samantalang ikaw na may bubong sa ulo,

Komportable ka lang sa malamig na studio,

Nang kapirasong libing sa TV sumalo,

Angal at inis ang sumambulat sa iyo.



Maaari din namang pabayaan na s’ya,

Subalit ang nangyari’y mabigat talaga,

Namayapang pangulo’y huling paalam na,

‘Di mo pa pinagbigyan … hoy, nag-iisa ka!



At nais ko lang sabihin at ipagyabang

Sa mahigit na s’yam na libong tanghalian,

Sa limang pangulong sa Bulaga’y dumaan,

Kahit isa wala kaming nilapastangan.

4 comments:

caloi said...

Ang galing ng tula mo sir joey. alam namin ginawa mo itung tulang ito para kay willie. willie, whuag kang masyadung mayabang para hindi ka gawan ng tula ni joey. lol.

Anonymous said...

wala ba tayong ibang maiisip gawin kundi punahin ang mga pagkakamali ng iba? wala kasing maitutulong ang ganyan bagkus ay lalo lang nyan pinalalaki ang mga isyu na di na dapat palakihin,bakit d natin kausapin ng deretsohan kesa idaan natin sa ganitong paraan?kasi ba gusto rin nating bumango sa mata ng ibang tao?bakit d natin hayaang ang tao mismo ang pumuna kasi yun ang nakararami dahil ikaw mismo ay may pagkakamali rin na dapa sana ayunahin mo munang ituwid?sana makapag-issp tayo ng mga bagay na makakatulong hindi yung makakasira,yung walang halong pulitika,dahil pag may kulay pulitika,MADUMI YAN!

caloi said...

wowowie fanatic k ano? walang halong pulitika ito,ito'y totoo! ang sambayanang pilipino ang witness mismo. kung ika'y may totoong pusong pilipino hindi ganyan ang komento mo. but my friend, your comments gave you away...maka willie k nga!

Ken said...

wala akong fans kahit sino sa kanila, at lalong hindi ako nanonood ng mga noontime show. Pero there are things that better left unspoken lalo na sa tv where millions of people are watching you. I don;t know what happened pero since the wowowee tragedy di pa ba natuto ang Abs-Cbn with Willie?