Thursday, July 16, 2009

Pag-aralan ang mga PRESIDENTIABLES (KANDIDATO SA PAGKAPANGULO)

Habang maaga pa ay pag-aralan na.
mga kandidatong ngayu'y bumabandera.
alamin at mapagmasid maging matanglawin ka.
nasa mga kamay natin pag-unlad ng ekonomiya.

Tukuying mabuti sa ating talakayan.
ipaalam sa madla ang kanilang katangian.
yung totoo lang walang personalan.
Malaman ng botante bago magbotohan.

Di lang talino ang ating kailangan.
dagdagan pa ito ng ibayong katapatan.
malasakit sa mahirap kanyang kalidad.
mabuting pamilya balitang di corrupt.

Ating isa-isahin ang kanilang nagawa.
naging kapaki-pakinabang sa pobreng madla.
hindi siya sugarol, kulasisi siya'y wala.
Anupa't oras niya nakalaan sa bansa.

"Aksyon man" ang ngayu'y ating kailangan.
May takot sa Diyos na siyang kailangan.
Di siya bulaan at nuknukan ng yabang.
o madrama ang dating para ating kaawaan.

Alam ko madami sa inyo ang nakakaalam.
kilala sila, kandidatong pinakamainam.
Tapatan lang kung nagmamahal ka sa bayan.
turan niyo po sila at kayo'y makialam....

3 comments:

caloi said...

guys vote wisely huh !!!!

JonD'Mango said...

wala akong masabi kundi "ang galing mo." at last, nasimulan mo na at ilabas ang blog mo.

masigabong palakpakan ang bagay sa'yo, korek na korek ang post mo saludo ako sa'yo.

ipagpatuloy lang!

ThurderRidge Silver Labs said...

i agree with this blog that they need to think deeper kung sino man ang karapatdapt na umopo sa pwesto not just looking forward how much money and kanilang matatanggap